Barangay Resolution
Resolution No. Title
599-08-01 Adopting City Ordinance 1600
599-08-02 Appointment of New Treasurer Josefina de Leon
599-08-03 Creation of Standing Committee
599-08-04 Adopting an "Internal Rules of Procedure"
599-08-05 Appointment of Lupong
Tagapamayapa
599-08-06 Upgrading 'The Database System' of the Barangay
599-08-07 Appointment of Mar Bularan and Bon Miral as
Tanods
599-08-08 Re-Appointment of Barangay
Tanods
599-08-09 Recognizing SJYO as the Committee de Festejos
Concurring the approval of "Mga Alituntunin at
Patakaran na Dapat Sundin ng mga Barangay
Tanod"
599-08-10 Establishment of the Reading
Center
599-08-11 Adoption of Six City Ordinances
599-08-12 Release of P5000.00 from MOOE to be
Utilized For Meal Expenses of 1st Quarter
Barangay Assembly 2007
599-08-13 Concurring the creation of:
a.) Barangay Disaster Coordinating Council
b.) Barangay Development Council
c.)Barangay Council for the Protection of Children
( under Women & Children’s Welfare )
d.) Barangay Peace & Order Council
e.) Barangay Anti-Drug Abuse Council
f.) Barangay Solid Waste Management Committee
599-08-14 Replacement of Helena Mae Sardan by
Roslyn Papilar as Barangay Secretary
599-08-15 Appointment of Purok Leaders
Programming CY 2008 "Kilos Asenso"
599-08-16 Instalation of Fire Hydrant
Assigning SK Kagawads as Junior Officers of the Day
599-08-17 Construction of Public Urinal
599-08-18 Request Copy/CD of ‘Awit ng Maynila and
‘Barangay Hymn’
599-08-19 Release of the Miracle Program
599-08-20 Release of the Calamity Fund
599-08-21 Release of Bank Statement to the City
Accountant (COA)
599-08-22 Application of New Electrical Service to Meralco
599-08-23 Termination/Resignation of Tanod C. Peralta
Due to Change of Work
599-08-24 Facilitating a ‘Proficiency Seminar’ on
Katarungang Pambarangay
599-08-25 Collection of Filing Fee of Php 50.00 to Avoid
Piling up of Unnecessary Case
599-08-26 Recommendation of Inspection of Aguinaldo
Lot in Terms of Public Safety and Tax Obligation
599-08-27 Conversion of Old Muilticab into Playhouse
599-08-28 Installation of Bulletin Board/Signages
599-08-29 Additional Water Service for COMCEN
599-08-30 SK Fund of 2006-2007 to be Reprogrammed to
Construction of SK Hall/ Readng
Center
599-08-31 Utilizing Expenses for Nutrition Program
599-08-32 Appointment of Juan Pareja as Tanod
599-08-33 Conduct Referee Training
599-08-34 Faith Garden as source of Livelihood
599-08-35 Amendment of Parking Ordinance
599-08-36 Regulation of "Computer Shops" operation
schedules
599-08-37 Support Fund to Purchase School Supplies
Activation of BCPC
599-08-38 SK Fund for CY 2009
599-08-39 Appontment of New Secretary Leonila Balderas
599-08-40
599-08-41 Approval of the release of 1% from Barangay
Budget to sustain the activities of BCPC
599-08-42 Citizens' Charter
599-08-43 Barangay Advisory Board
599-08-44 Appropriating the Sum of P263,471.00 for
Administrative Expenses & Community
Development Project (Supplemental Budget 2009)
599-08-45
599-08-46 Replacement of Tanod Mar Bularan
599-08-47 Coordinating with Proper Authorities for the
Immediate Rehab of
599-08-48 MOOE Release of Funds allocated for the Semi-
Annual Assembly Expenses
599-08-49 Resolution Asking Financial Assistance to PCSO
for Brgy. Project
BARANGAY ORDINANCES
RESO NO. TITLE
B.O. 02-004 Urinating in Public Place (C.O. 6710)
B.O. 02-005 Animals Running at Large (C.O. 1600)
B.O. 02-006 Illegal Disposal of Waste (R.A. 9003)
B.O. 02-007 Brgy. Curfew Hours
B.O. 02-008 Drinking in Public Places
B.O. 02-009 Public display of Individual Who are Half-Naked
PANUKALANG KAUTUSAN BILANG 2010- 50
KAUTUSANG NAG-AATAS NG PAGPAPAREHISTRO
SA LAHAT NG NANINIRAHAN, NANGANGASERA, NAKIKIPISAN O NAMIMIRMIHAN SA NASASAKUPAN NG BARANGAY 599 AT NAGTATADHANA NG PARUSA SA LALABAG.
Nagpanukala: Kagawad Josefina N. dela Serna
SAPAGKAT itinadhana sa Seksyon 334 ng R.A. 7160 na ang Barangay bilang pangunahing taga balangkas ng plano sa pamahalaan at kinakailangang may wastong tala ng kanyang mamamayan sang ayon sa edad, hanapbuhay, o pinagkakakitaan, antas ng pinag-aralan, kalagayang pangkalusugan at iba pa;
SAPAGKAT malaking bagay din ang maitutulong sa katahimikan at katiwasayan kung ang mga nagsisipanirahan sa nasasakupan ng barangay ay may katibayan ng maaaring pagkakakilanlan o I.D. upang madaling mabatid kung sino ang dayuhan o bumibisita lamang;
SAPAGKAT iniaatas rin ng Batas Republika 7160 na magkakaroon ng nasasa panahong talaan ng mga nagsisipanirahan sa barangay;
SAPAGKAT makakatulong din sa mga nagsisipanirahan sa barangay sa kanilang pakikipag-transaksyon sa mga pribado at pampublikong ahensya na humihingi ng katibayan ng pagkakakilanlan o I.D.
SAPAGKAT sa kanilang mga impormasyong ibinibigay malalaman ang tunay na kalagayang pang ekonomiya at pang kalusugan ng bawat pamilya at dito masusukat ang mga praktikal na pangangailangan ng nasasakop ng Barangay na ito, na siyang pagbabasehan sa paggawa ng mga programa at proyekto ng komunidad.
KUNG GAYON, sa pagpupulong ng Sanguniang Barangay ng Barangay 599, itinakda ang mga tuntunin ng kautusang ito na sumusunod:
UNANG TUNTUNIN- Sino ang kinakailangang magparehistro?
a) Ang lahat ng nagsisipanirahan sa nasasakupan ng Barangay 599 ay kinakailangang magpatala sa Pamahalaang Barangay;
b) Ang lahat ng mga bagong lipat, nangangasera, nakikipisan o ‘bedspacer’ sa nasasakupan ng Barangay 599 ay kinakailangang magparehistro sa pamahalaang barangay sa loob ng Labinlimang araw (15) mula sa unang araw ng kanilang pamamalagi sa nasasakupan ng barangay.
IKALAWANG TUNTUNIN- Paraan ng Pagpaparehistro
a) Ang naninirahan, nangangasera, nakikipisan o namamalagi sa nasasakupan ng barangay ay maaaring magparehistro sa pamamagitan ng pagsasagawa ng itinakdang porma sa pagpaparehistro, pagpapakita ng katibayan ng pagbabayad ng buwis pampamayanan at pagbibigay ng 1” X 1” litrato para sa ID.
b) Sino mang miyembro ng pamilya ay maaaring isagawa ang pagpaparehistro ng iba pang miyembro ng pamilya at nakikipisan lalo na’t kung ang nasabing miyembro ay hindi marunong sumulat o wala pa sa wastong gulang.
IKATLONG TUNTUNIN- Pagkakaroon ng Laminadong Opisyal na ID
Ang laminadong opisyal na ID ay magtataglay ng lagda ng Punong Barangay at lagda ng pagpapatunay ng Kalihim ng barangay.
IKA-APAT NA TUNTUNIN- Panahon ng Pagpaparehistro
a) Ang mga nagsisipanirahan, namamalagi, nakikipisan o nangangasera sa nasasakupang barangay bago maipasa ang kautusang ito ay kinakailangang magparehistro at iparehistro din ang ka-miyembro ng pamilya o nakikipisan ng wala pa sa hustong gulang, sa loob ng (30) araw mula sa pagkakabisa ng kautusang ito.
b) Sa panahon ng pagkakabisa, ang lahat ng bagong lipat o namamalagi, nakikipisan o nangangasera o bilang ‘bedspacer’ ay kinakailangang magpa- rehistro at ipa-rehistro rin ang mga kaanak at nakikipisan na wala pa sa wastong gulang sa loob ng labinlimang (15) araw mula sa unang araw ng kanilang pamamalagi sa nasasakupan ng barangay.
IKA- LIMANG TUNTUNIN- Parusa sa Paglabag
Ang sino mang nagsisipanirahan, namamalagi, nakikipisan o bedspacer na mapatunayang lumabag sa mga tuntunin ng kautusang ito ay parurusahan ng pagbabayad ng multang Isandaang piso (Php 100.00) sa bawat nagdaang buwan.
IKA- ANIM NA TUNTUNIN- Pagliligta
Alin mang tuntunin ng kautusang ito na mapatunayan ng hukuman
( na may sapat na kapangyarihan ) na mapatunayang labag sa batas at walang bias ang siya lamang tuntunin na mawawalang bisa at ang ibang tuntunin ay patuloy na magkakabisa at ipatututpad.
IKA- PITONG TUNTUNIN- Pagkakabisa
Ito ay magkakabisa sa araw na pagtibayin at sang-ayon sa itinakda ng batas.
PINAGTIBAY ng SANGGUNIAN BARANGAY 599 ngayong Ika- 7 araw ng buwan ng AGOSTO 2010 dito sa Lunsod ng Maynila.
JOSE MILO L. LACATAN
Punong Barangay
Kag. Benjamin Macalinao- ______________________
Kag. Josefina dela Serna -- ______________________
Kag. Dolores de Leon ----- ______________________
Kag. Erwin Sampaga ------ ______________________
Kag. Jaime Choy ----------- ______________________
Kag. Blezildo Peralta ------ ______________________
Kag. Salvador Onanad ---- ______________________